2 Corinto 9:7
Bawat isa ay magbigay ayon sa pasiya ng kaniyang puso. Huwag siyang hayaang magbigay na may kalungkutan o napilitan. Sapagkat minamahal ng Diyos ang masayang nagbibigay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 25:2“Sabihin sa mga Israelita na kumuha ng isang handog para sa akin mula sa bawat tao na hinikayat ng maluwag sa kalooban. Dapat ninyong tanggapin ang mga handog na ito para sa akin.
Deuteronomy 15:7Kung may isang taong mahirap sa inyo, isa sa inyong mga kapatid, saanman sa loob ng inyong mga tarangkahan sa lupain na ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, hindi dapat ninyo patigasin ang inyong mga puso ni isara ang inyong kamay mula sa inyong mahirap na kapatid;
1 Chronicles 29:17Alam ko rin, aking Diyos, na iyong sinusuri ang puso at nalulugod sa katuwiran. Para sa akin, sa katapatan ng aking puso, kusang-loob kong inihandog ang lahat ng mga bagay na ito at nagagalak akong tumitingin sa iyong mga tao na narito na kusang-loob na naghahandog sa iyo.
Proverbs 22:9Ang isang mapagbigay na mata ay pagpapalain, sapagkat siya ay nagbabahagi ng kaniyang tinapay sa mahihirap.
Isaiah 32:5Hindi magtatagal ang hangal ay tatawaging marangal, ni ang mandaraya ay tatawaging may prinsipyo.
Acts 20:35Sa lahat ng bagay nagbigay ako ng halimbawa kung paano ninyo dapat tulungan ang mga mahihina sa pamamagitan ng pagtratrabaho at kung paano ninyo dapat maalala ang salita ng Panginoong Jesus, mga salita na siya mismo ang nagsabi: “Mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap.”