2 Mga Hari 13:23
Pero mahabagin si Yahweh sa Israel at mayroon siyang awa at malasakit sa kanila, dahil sa kaniyang tipan kay Abraham, Isaac at Jacob. Kaya hindi sila winasak ni Yahweh, at hindi niya pa rin sila inilayo sa kaniyang presensiya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
22Inapi ni Hazael hari ng Aram ang Israel sa panahon ng paghahari ni Jehoahas.
24Namatay si Hazael hari ng Aram, at si Ben Hadad na kaniyang anak ang naging hari kapalit niya.
Cross References
Genesis 6:3Sinabi ni Yahweh, “Ang aking espiritu ay hindi mananatili sa sangkatauhan magpakailanman, sapagkat sila ay laman. Mabubuhay sila ng 120 taon.”
Genesis 17:2Pagkatapos pagtitibayin ko ang aking tipan sa pagitan natin, at lubos kitang pararamihin.”
Exodus 2:24Nang marinig ng Diyos ang kanilang mga daing, inalala ng Diyos ang kaniyang tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.
Exodus 32:13Alalahanin mo sina Abraham at Isaac at Israel, iyong mga lingkod, na siyang sumumpa sa pamamagitan ng iyong sarili mismo at sinabi sa kanila, “Gagawin ko ang iyong mga kaapu-apuhan na kasing dami ng mga bituin sa kalangitan, at bibigyan ko ang iyong mga kaapu-apuhan lahat ng lupaing aking sinabi. Mamanahin nila ito magpakailanman.”
Exodus 34:6Dumaan si Yahweh sa kaniya at inihayag, “Yahweh, Yahweh, ang Diyos ay maawain at mapagbigay-loob, hindi madaling magalit, at nag-uumapaw sa katapatan ng tipan at mapagkakatiwalaan,
Deuteronomy 32:36Dahil si Yahweh ang magpapasya para sa kaniyang mga tao, at kakaawaan niya ang kaniyang mga lingkod. Makikita niya na ang kanilang kapangyarihan ay nawala, at wala ni isang matitira, kahit mga alipin o malayang mga tao.