2 Mga Hari 14:10
Iyong tunay na sinaktan ang Edom, at pinapagmataas ka ng iyong puso: lumuwalhati ka nawa, at tumahan sa bahay: sapagka't bakit ka nakikialam sa ikasasama, upang ikaw ay mabuwal, ikaw, at ang Juda na kasama mo?
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 8:9At sinabi ni Moises kay Faraon, Magkaroon ka ng kaluwalhatiang ito sa akin: anong oras isasamo kita, at ang iyong mga lingkod, at ang iyong bayan, upang ang mga palaka ay malipol sa iyo at sa iyong mga bahay, at mangatira na lamang sa ilog?
Judges 9:52At naparoon si Abimelech sa moog, at lumaban, at lumapit sa pintuan ng moog, upang sunugin ng apoy.
2 Chronicles 26:16Nguni't nang siya'y lumakas, ang kaniyang puso ay nagmataas, na anopa't siya'y gumawa ng kapahamakan, at siya'y sumalangsang laban sa Panginoon niyang Dios; sapagka't siya'y pumasok sa templo ng Panginoon upang magsunog ng kamangyan sa ibabaw ng dambana ng kamangyan.
2 Chronicles 35:21Nguni't siya'y nagsugo ng mga sugo sa kaniya, na ipinasasabi, Anong aking ipakikialam sa iyo, ikaw na hari sa Juda? ako'y hindi naparirito laban sa iyo sa araw na ito, kundi laban sa sangbahayan na kinakalaban ko: at iniutos sa akin ng Dios na ako'y magmamadali: iwan mo ang pakikialam sa Dios, na nasa akin nga, upang huwag ka niyang lipulin.
Proverbs 15:18Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo: nguni't siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan.
Proverbs 17:14Ang pasimula ng pagkakaalit ay gaya ng pagbuga ng tubig: kaya't iwan ninyo ang pagtatalo, bago maginit sa pagkakaalit.