2 Mga Hari 17:25
At nagkagayon, sa pasimula ng kanilang pagtahan doon, na hindi sila nangatakot sa Panginoon: kaya't ang Panginoon ay nagsugo ng mga leon sa gitna nila, na pinatay ang ilan sa kanila.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 22:25Sapagka't ginawang hangganan ng Panginoon ang Jordan sa pagitan namin at ninyo, ninyong mga anak ni Ruben at mga anak ni Gad: kayo'y walang bahagi sa Panginoon: sa gayo'y patitigilin ng inyong mga anak ang aming mga anak sa pagkatakot sa Panginoon.
1 Kings 20:36Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniya, Sapagka't hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon, narito, pagkahiwalay mo sa akin, ay papatayin ka ng isang leon. At pagkahiwalay niya sa kaniya, ay nasumpungan siya ng isang leon, at pinatay siya.
2 Kings 17:28Sa gayo'y isa sa mga saserdote na kanilang dinala mula sa Samaria ay naparoon at tumahan sa Beth-el, at tinuruan sila kung paanong sila'y marapat na matakot sa Panginoon.
2 Kings 17:34Hanggang sa araw na ito ay ginagawa nila ang ayon sa mga dating paraan: sila'y hindi nangatatakot sa Panginoon, o nagsisigawa man ng ayon sa kanilang mga palatuntunan, o ayon sa kanilang mga ayos, o ayon sa kautusan, o ayon sa utos na iniutos ng Panginoon sa mga anak ni Jacob, na kaniyang pinanganlang Israel,
Jeremiah 5:6Kaya't papatayin sila ng leon na mula sa gubat, sisirain sila ng lobo sa mga ilang, babantayan ang kanilang mga bayan ng leopardo; lahat na nagsilabas doon ay mangalalapa; sapagka't ang kanilang mga pagsalangsang ay marami, at ang kanilang mga pagtalikod ay lumago.
Jeremiah 15:3At ako'y magtatakda sa kanila ng apat na mga bagay, sabi ng Panginoon: ang tabak upang pumatay, at ang mga aso upang lumapa, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga hayop sa lupa, upang lumamon at lumipol.