2 Mga Hari 2:24
Tumingin si Eliseo sa kaniyang likuran at nakita sila; tumawag siya kay Yahweh para sumpain sila. Pagkatapos dalawang babaeng oso ang lumabas sa kakahuyan at sinugod ang apatnapu't dalawang bata.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
25Pagkatapos pumunta si Eliseo mula roon sa Bundok Carmel, at mula roon bumalik siya sa Samaria.
Cross References
Genesis 9:25Kaya sinabi niya, “Sumpain si Canaan. Maging isang lingkod sana siya sa mga lingkod ng kanyang mga kapatid.”
Leviticus 26:22Magpapadala ako ng mapanganib na mga hayop laban sa inyo na magnanakaw ng inyong mga anak, lilipol ng inyong mga baka at magpapakaunti ng inyong bilang. Kaya magiging pinabayaan ang inyong mga daanan.
Judges 9:20Pero kung hindi, hayaan na lumabas ang apoy mula kay Abimelec at sunugin ang mga kalalakihan ng Shekem at bahay ng Millo. Hayaang lumabas ang apoy mula sa mga kalalakihan ng Shekem at Bet Millo, para sumunod kay Abimelec.”
2 Samuel 17:8Idinagdag ni Cusai, “Alam mong malakas na mga mandirigma ang iyong ama at ang kaniyang mga tauhan at mabangis sila at katulad sila ng isang osong ninakawan ng mga anak sa isang bukid. Ang iyong ama ay isang taong mandirigma; hindi siya matutulog kasama ang hukbo ngayong gabi.
1 Kings 19:17Mangyayari na papatayin ni Jehu ang sinumang makakatakas mula sa espada ni Hazael, at papatayin ni Eliseo ang sinumang makakatakas mula sa espada ni Jehu.
2 Kings 1:10Sumagot si Elias at sinabi sa kapitan, “kung ako ay lingkod ng Diyos, bumaba sana ang apoy mula sa kalangitan at sunugin ka at ang limampung sundalo mo.” Pagkatapos bumaba ang apoy mula sa kalangitan at sinunog siya at kaniyang limampung sundalo.