2 Mga Hari 2:8
Hinubad ni Elias ang kaniyang balabal, tinupi, at hinampas ang tubig gamit ito. Nahati sa dalawang bahagi ang ilog kaya nakalakad ang dalawa sa tuyong lupa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 14:21Iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat. Pinabalik ni Yahweh ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silangan sa buong gabing iyon at ginawang tuyong lupa. Sa ganitong paraan nahati ang tubig.
Exodus 14:29Gayunman, naglakad ang mga Israelita sa tuyong lupa sa gitna ng dagat. Ang tubig ay naging isang pader para sa kanila sa kanang kamay at sa kanilang kaliwa.
1 Samuel 28:14Sinabi niya sa kanya, “Ano ang kamukha niya? Sinabi niya, “Isang matandang lalaki ang umaakyat; nakasuot siya ng balabal.” Nadama ni Saul na si Samuel iyon, at yumukod siya na ang kanyang mukha ay nasa lupa at nagpakita ng paggalang.
1 Kings 19:19Kaya umalis si Elias mula roon at natagpuan si Eliseo anak na lalaki ni Shafat, na nag-aararo ng labindalawang pamatok na mga baka sa kaniyang harapan, at siya ang nag-aararo sa ika-labindalawang pamatok. Lumakad si Elias papalapit kay Eliseo at binalot ang dulo ng kaniyang balabal sa kaniya.
Psalms 114:5Bakit ka tumakas, O dagat? Jordan, bakit ka tumakas?
Hebrews 11:29Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na sila ay tumawid sa dagat ng mga Tambo na parang nasa ibabaw ng tuyong lupa. Nang sinubok ng mga taga Ehipto na gawin ito, sila ay nilamon nito.