2 Mga Hari 20:12
Nang panahong yaon ay si Berodach-baladan, na anak ni Baladan, na hari sa Babilonia, ay nagpadala ng mga sulat at ng kaloob kay Ezechias: sapagka't kaniyang nabalitaan na si Ezechias ay nagkasakit.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 10:10At ang pinagsimulan ng kaniyang kaharian ay ang Babel, at ang Erech, at ang Accad, at ang Calneh, sa lupain ng Shinar.
2 Samuel 8:10Sinugo nga ni Toi si Joram na kaniyang anak sa haring David, upang bumati sa kaniya, at upang purihin siya, sapagka't siya'y nakipagdigma laban kay Hadadezer at sinaktan niya siya: sapagka't si Hadadezer ay nagkaroon ng mga pakikipagbaka kay Toi. At nagdala si Joram ng mga sisidlang pilak, at mga sisidlang ginto, at mga sisidlang tanso;
2 Chronicles 32:25Nguni't si Ezechias ay hindi nagbayad uli ng ayon sa kabutihang ginawa sa kaniya; sapagka't ang kaniyang puso ay nagmataas: kaya't nagkaroon ng kapootan sa kaniya, at sa Juda, at sa Jerusalem.
Isaiah 13:1Ang hula tungkol sa Babilonia na nakita ni Isaias na anak ni Amoz.
Isaiah 14:4Na iyong gagamitin ang talinghagang ito laban sa hari sa Babilonia, at iyong sasabihin, Kung paano ang mamimighati ay naglikat! ang bayang ginto ay naglikat!