2 Kings 21:16
Higit pa roon, nagpadanak si Manasses ng labis na inosenteng dugo, pinuno niya ng kamatayan ang magkabilang dulo ng Jerusalem. Karagdagan pa ito sa kasalanan na pinilit niyang gawin ng Juda, sa paggawa ng masama sa paningin ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 35:33Huwag ninyong dumihan sa ganitong pamamaraan ang lupain kung saan kayo namumuhay, dahil ang dugo mula sa pinatay ay dinudumihan ang lupain. Walang pambayad kasalanan ang maaaring gawin sa lupain kapag ang dugo ay dumanak dito, maliban sa pamamagitan ng dugo ng isang dumanak dito.
1 Kings 14:15Dahil lilipulin ni Yahweh ang Israel tulad ng isang halamang tambo na nililiglig sa tubig, at bubunutin niya ang Israel sa masaganang lupain na ito na ibinigay niya sa kanilang mga ninuno. Sila ay kaniyang ikakalat sa kabila ng ilog Eufrates, dahil gumawa sila ng mga poste ni Asera at ginalit nila si Yahweh.
2 Kings 3:3Gayun pa man, sumunod siya sa mga kasalanan ni Jeroboam anak ni Nebat, na nagsanhi sa Israel na magkasala; hindi siya lumayo sa kanila.
2 Kings 21:7Ang inukit niyang imahe ni Asera na ginawa niya, ay inilagay niya sa tahanan ni Yahweh. Ang tahanan na ito ang lugar kung saan nangusap si Yahweh kay David at Solomon na kaniyang anak; na sinasabing, “Sa tahanan na ito at sa Jerusalem, na aking pinili mula sa lahat ng mga tribo ng Israel, mananatili ang aking pangalan magpakailanman.
2 Kings 24:3Tiyak na nangyari ito sa Juda sa utos ni Yahweh, para alisin sila mula sa kaniyang paningin, dahil sa mga kasalanan ni Manases, lahat ng kaniyang mga ginawa,
2 Chronicles 33:9Pinamunuan ni Manases ang mga taga-Judah at ang mga nakatira sa Jerusalem na gumawa ng masasama ng higit pa sa ginawa ng mga bansang pinuksa ni Yahweh bago dumating ang mga mamamayan ng Israel.