2 Kings 21:3
Dahil itinayo niya muli ang mga dambana na winasak ng kaniyang ama na si Hezekias, at nagtayo siya ng mga altar para kay Baal, gumawa ng poste ni Asera, gaya ng ginawa ni Ahab na hari ng Israel, at lumuhod siya sa lahat ng mga bituin ng langit at sinamba ang mga ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 17:3sinuman ang mawala at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan at lumuhod sa kanila, kahit na ang araw, ang buwan o anumang nasa langit—na wala sa aking sinabi
1 Kings 18:21Si Elias ay lumapit sa lahat ng tao at sinabi niya, “Gaano katagal ninyong babaguhin ang inyong kaisipan? Kung si Yahweh ay Diyos, sumunod kayo sa kaniya. Ngunit kung si Baal ay Diyos, sundin siya.” Subalit ang mga tao ay hindi sumagot sa kaniya kahit isang salita.
2 Kings 8:18Lumakad si Jehoram sa mga pamamaraan ng mga hari ng Israel, tulad ng ginawa ng sambahayan ni Ahab; dahil ang anak na babae ni Ahab ay kaniyang asawa, at ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh.
2 Kings 10:18Pagkatapos sama-samang tinipon ni Jehu ang lahat ng tao at sinabi sa kanila, “naglingkod si Ahab kay Baal ng sandali, pero naglilingkod si Jehu sa kaniya nang higit pa.
2 Kings 17:16Sinuway nilang lahat ang mga utos ni Yahweh na kanilang Diyos. Gumawa sila ng imahe ng dalawang batang baka mula sa hinulmang bakal para sambahin. Gumawa sila ng poste ni Asera, at sinamba lahat ng bituin sa langit at si Baal.
2 Kings 18:22Pero kapag sinabi mo sa akin, 'Nagtitiwala kami kay Yahweh aming Diyos', hindi ba't siya ang tinaggalan ni Hezekias ng mga dambana at mga altar, at sinabi sa Juda at sa Jerusalem, 'Dapat kayong magsamba sa altar na ito sa Jerusalem'?