2 Kings 21:9
Pero hindi nakinig ang mga tao, at inakay sila ni Manasses na gumawa ng higit pang kasamaan kaysa sa mga bansa na winasak ni Yahweh sa harapan ng bayan ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
10Kaya nangusap si Yahweh sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta, na sinasabing,
Cross References
1 Samuel 8:19Subalit tumangging makinig ang mga tao kay Samuel; sinabi nila, “Hindi! Dapat mayroon kaming hari
2 Kings 16:3Sa halip, nilakaran niya ang landas ng mga hari ng Israel; sa katunayan, sinunog niya ang kaniyang anak bilang isang handog na sinusunog, ayon sa nakasusuklam na mga kaugalian ng mga bansa, na itinaboy ni Yahweh sa harapan ng mamamayan ng Israel.
2 Chronicles 36:16Ngunit kinutya nila ang mga mensahero ng Diyos, kinamuhian ang kaniyang mga salita, at hinamak ang kaniyang mga propeta, hanggang sa ang galit ni Yahweh ay nagsimula laban sa kaniyang mga tao hanggang sa ito ay hindi na maiiwasan.
Nehemiah 9:26Pagkatapos, sila ay naging suwail at naghimagsik laban sa iyo. Tinapon nila ang iyong batas sa kanilang likuran. Pinatay nila ang iyong mga propeta na nagbabala sa kanila na bumalik sa iyo, at gumawa sila ng matinding mga kalapastanganan.
Psalms 12:8Ang masasama ay naglalakad sa bawat panig kapag ang masama ay naitaas sa mga anak ng mga tao.
Proverbs 29:12Kung ang isang pinuno ay nagbibigay pansin sa mga kasinungalingan, lahat ng kaniyang mga opisyal ay magiging masama.