2 Mga Hari 22:2
Ginawa niya kung ano ang tama sa mata ni Yahweh. Lumakad siya sa lahat ng pamamaraan ni David ang kaniyang ninuno, at hindi siya lumiko sa kanan man o sa kaliwa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 5:32Kaya, susundin ninyo, kung ano ang iniutos ni Yahweh na inyong Diyos; huwag kayong liliko sa kanang kamay o sa kaliwa.
1 Kings 3:6Kaya sinabi ni Solomon, “Nagpakita ka ng dakilang katapatan sa tipan sa iyong lingkod, si David, aking ama, dahil lumakad siya sa harap mo nang may pagtitiwala, katuwiran, at kabutihan ng puso. Iningatan mo ang dakilang katapatan sa tipan na ito para sa kaniya at binigyan mo siya ng anak na lalaki para maupo sa trono niya ngayon.
1 Kings 15:5Ginawa ito ng Diyos dahil ginawa ni David ang tama sa kaniyang paningin; sa buong buhay niya hindi siya tumalikod sa anumang inutos sa kaniya, maliban na lang sa ginawa niya kay Urias na Hiteo.
2 Kings 12:3Pero ang mga dambana ay hindi niya pinagiba. Ang mga tao ay patuloy pa ring naghahandog at nagsusunog ng insenso roon.
2 Kings 16:2Dalampung taong gulang si Ahaz nang magsimulang maghari, at siya ay labing anim na taong naghari sa Jerusalem. Hindi niya ginawa ang matuwid sa paningin ni Yahweh kaniyang Diyos, tulad sa ginawa ni David kaniyang ninuno.
2 Chronicles 17:3Kasama ni Jehoshafat si Yahweh dahil lumakad siya sa unang kaparaanan ng kaniyang ama na si David at hindi siya bumaling sa mga Baal.