2 Mga Hari 24:13
Kinuha mula roon ni Nebucadnezar ang lahat ng mga mahahalagang bagay sa tahanan ni Yahweh, at ang mga nasa palasyo ng hari. Pinira-piraso niya ang lahat ng mga gintong bagay na ginawa ni Solomon hari ng Israel sa templo ni Yahweh, gaya ng sinabi ni Yahweh na mangyayari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 20:17'Tingnan mo, paparating na ang araw nang lahat ng nasa iyong palasyo, ang mga bagay na inimbak ng iyong mga ninuno hanggang sa araw na ito, ay dadalhin sa Babilonia. Walang matitira, sabi ni Yahweh.
2 Chronicles 4:7Ginawa niya ang gintong patungan ng ilawan na ginawa ayon sa tagubilin para sa disenyo ng mga ito; inilagay niya ang mga ito sa templo, lima sa gawing kanan, at lima sa kaliwa.
Isaiah 39:6'Masdan mo, darating ang araw na ang lahat sa iyong kaharian, mga bagay na itinabi ng iyong ninuno hanggang sa mga panahong ito, ay dadalahin sa Babilonia. Walang matitira, sabi ni Yahweh.
Jeremiah 27:16Ipinahayag ko ito sa mga pari at sa lahat ng tao at sinabi, “Ito ang sinasabi ni Yahweh: Huwag kayong makinig sa mga salita ng inyong mga propetang nagpapahayag sa inyo at sinasabi, 'Tingnan ninyo! Ang mga bagay na pag-aari ng tahanan ni Yahweh ay ibinabalik ngayon mula sa Babilonia!' Nagpapahayag sila ng mga kasinungalingan sa inyo.
Jeremiah 28:6Sinabi ni Jeremias na propeta, “Gawin nawa ito ni Yahweh! Patunayan nawa ni Yahweh ang mga salita na iyong ipinahayag at ibalik sa lugar na ito ang mga bagay na pag-aari ng tahanan ni Yahweh at ang lahat ng mga bihag mula sa Babilonia.
Daniel 5:2Habang tinitikman ni Belsazar ang alak, nagbigay siya ng mga utos na ilabas ang mga sisidlan na gawa sa ginto at pilak na kinuha sa templo ng Jerusalem ng kaniyang amang si Nebucadnezar, upang mainuman niya at ng kaniyang mga maharlikang tauhan at ng kaniyang mga asawa at mga asawang tagapaglingkod.