2 Mga Hari 24:2
Nagpadala si Yahweh laban kay Jehoiakim ng mga pangkat ng mga Caldean, Aramean, Moabita, at Ammonita; ipinadala niya sila laban sa Juda para wasakin ito. Ito ay naaayon sa salita ni Yahweh na sinabi sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 6:23Kaya't naghain ng pagkain ang hari para sa kanila, at nang nakakain at nakainom sila, pinalaya niya sila at pinabalik sa kanilang panginoon. Ang mga grupo ng sundalong Aramean na iyon ay hindi bumalik sa lupain ng Israel nang mahabang panahon.
2 Kings 20:17'Tingnan mo, paparating na ang araw nang lahat ng nasa iyong palasyo, ang mga bagay na inimbak ng iyong mga ninuno hanggang sa araw na ito, ay dadalhin sa Babilonia. Walang matitira, sabi ni Yahweh.
2 Kings 22:16“Ito ang kung ano ang sinasabi ni Yahweh: “Masdan mo, malapit na akong magdala ng sakuna sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito, lahat ng mga salita ng aklat na nabasa ng hari ng Juda.
2 Chronicles 33:11Kaya ipinasalakay sila ni Yahweh sa pinuno ng hukbo ng Hari ng Asiria, na bumihag kay Manases nang nakakadena, at nilagyan ng tanikala ang kanyang mga paa, at dinala siya sa Babilonia.
Isaiah 6:11Pagkatapos sinabi ko, “Panginoon, hanggang kailan?” Sumagot siya, “Hanggang sa mawasak ang mga lungsod at mawalan ng naninirahan dito, at mawalan ng tao ang mga bahay, at nakatiwangwang ang lupain,
Isaiah 13:5Nanggaling sila mula sa malayong bansa na hindi na natatanaw. Si Yahweh ang wawasak ng buong lupain gamit ang kaniyang mga instrumento ng paghahatol.