2 Mga Hari 3:25
At kanilang giniba ang mga bayan at sa bawa't mabuting bahagi ng lupain ay naghagis ang bawa't tao ng kaniyang bato, at pinuno; at kanilang pinatigil ang lahat ng bukal ng tubig, at ibinuwal ang lahat na mabuting punong kahoy, hanggang sa Cir-hareseth lamang nagiwan ng mga bato niyaon; gayon ma'y kinubkob ng mga manghihilagpos, at sinaktan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 26:18At muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig na kanilang hinukay nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama; sapagka't pinagtabunan ng mga Filisteo, pagkamatay ni Abraham: at kaniyang mga pinanganlan ng ayon sa mga pangalang inilagay ng kaniyang ama.
Deuteronomy 20:19Pagka iyong kukubkubing mahabang panahon ang isang bayan sa pakikibaka upang sakupin, ay huwag mong sisirain ang mga punong kahoy niyaon, na pagbubuhatan ng palakol; sapagka't makakain mo, at huwag mong ipagbububuwal; sapagka't tao ba ang kahoy sa parang na kukubkubin mo?
2 Samuel 8:2At kaniyang sinaktan ang Moab, at sinukat niya sila ng tali, na pinahiga sila sa lupa; at kaniyang sinukat ng dalawang tali upang patayin, at ng isang buong tali upang buhayin. At ang mga Moabita ay naging mga alipin ni David, at nagsipagdala ng mga kaloob.
2 Chronicles 32:4Sa gayo'y nagpipisan ang maraming tao sa bayan at kanilang pinatigil ang lahat na bukal, at ang batis na umaagos sa gitna ng lupain, na sinasabi, Bakit paririto ang mga hari sa Asiria, at makakasumpong ng maraming tubig?
Isaiah 16:7Kaya't aangal ang Moab dahil sa Moab, bawa't isa'y aangal: dahil sa mga binilong pasas ng Kirhareseth ay mananangis kayong lubha na nangamamanglaw.
Isaiah 37:26Hindi mo baga nabalitaan kung paanong aking ginawa na malaon na, at aking pinanukala ng una? ngayo'y aking pinapangyari, upang iyong sirain ang mga bayang nakukutaan na magiging mga guhong bunton.