2 Mga Hari 6:13
Tumugon ang hari, “Humayo kayo at tingnan ninyo kung nasaan si Eliseo nang makapagpadala ako ng mga tauhan para dakpin siya.” At sinabi sa kaniya, “Nasa Dotan siya.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 37:17Sinabi ng lalaki, “Umalis na sila sa lugar na ito, narinig ko silang nagsabi na, “Pumunta tayo sa Dotan. Pinuntahan ni Jose ang kanyang mga kapatid at natagpuan sila sa Dotan.
1 Samuel 23:23Kaya tingnan ninyo, at alamin ang lahat ng lugar kung saan mismo siya nagtatago. Bumalik kayo sa akin na may tiyak na kaalaman, at pagkatapos babalik ako kasama ninyo. Kung nasa lupain siya, hahanapin ko siya kasama ang lahat ng libu-libo ng Juda.”
Psalms 37:12Ang makasalanan ay nagbabalak laban sa matuwid at nginangalit ang kaniyang ngipin laban sa kaniya.
Jeremiah 36:26At inutusan ng hari si Jerameel, isang kamag-anak, si Seraias na anak ni Azriel at Selenias na anak ni Abdeel upang hulihin si Baruc na eskriba at ang propetang si Jeremias, ngunit itinago sila ni Yahweh.
John 11:47At tinipon ng mga pinunong pari at ng mga Pariseo ang konseho at sinabi, “Ano ang ating gagawin? Ang taong ito ay maraming ginagawang mga tanda.