2 Kings 9:21
Kaya sinabi ni Joram, “Ihanda mo ang aking karwahe.” Inihanda nila ang kaniyang karwahe, at si Joram hari ng Israel at Ahazias hari ng Juda ay sumakay, bawat isa sa kaniyang karwahe, para salubungin si Jehu. Siya ay natagpuan nila sa lupain ni Nabot na Jezreelita.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 20:14Sumagot si Ahab, “Sa pamamagitan nino?” Sumagot at sinasabi ni Yahweh, “Sa pamamagitan ng mga batang opisyal na naglingkod sa gobernador sa mga lalawigan.” Pagkatapos sinabi ni Ahab, “Sino ang magsisimula ng labanan? Sumagot si Yahweh, “Ikaw.”
1 Kings 21:15At nang marinig ni Jezebel na si Nabot ay pinagbabato at patay na, sinabi niya kay Ahab, “Bumangon ka at kunin ang ubasan ni Nabot na taga-Jezreel, na kaniyang tinangging ibigay sa iyo kapalit ng pera, dahil si Nabot ay hindi na buhay, pero patay na.”
2 Kings 9:25Pagkatapos sinabi ni Jehu kay Bidkar na kaniyang kapitan, “Damputin at itapon siya sa bukid ni Nabot na Jezreelita. Isipin kung paano ako at ikaw ay magkasamang sumakay pagkatapos ni Ahab na kaniyang ama, inilagay ni Yahweh ang propesiyang ito laban sa kaniya:
Micah 1:13Isingkaw ang karwahe sa pangkat ng mga kabayo, mga taga-Laquis. Ikaw Laquis, ang pinagsimulan ng kasalanan para sa anak na babae ng Zion, sapagkat nasumpungan sa iyo ang mga pagsuway ng Israel.