2 Mga Hari 9:6
At siya'y tumindig at pumasok sa bahay, at kaniyang ibinuhos ang langis sa kaniyang ulo, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel. Aking pinahiran ka upang maging hari sa bayan ng Panginoon, sa makatuwid baga'y sa Israel.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 10:1Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis, at ibinuhos sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka sa kaniyang mana?
1 Kings 3:8At ang iyong lingkod ay nasa gitna ng iyong bayan na iyong pinili, isang malaking bayan na hindi mabibilang o matuturingan dahil sa karamihan.
1 Kings 14:7Ikaw ay yumaon na saysayin mo kay Jeroboam, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Yamang kita'y itinaas sa gitna ng bayan, at ginawa kitang pangulo sa aking bayang Israel,
1 Kings 19:16At si Jehu na anak ni Nimsi ay iyong papahiran ng langis upang maging hari sa Israel: at si Eliseo na anak ni Saphat sa Abel-mehula ay iyong papahiran ng langis upang maging propeta na kahalili mo.
2 Chronicles 22:7Ang kapahamakan nga ni Ochozias ay sa ganang Dios, sa kaniyang pagparoon kay Joram: sapagka't nang siya'y dumating, siya'y lumabas na kasama ni Joram laban kay Jehu na anak ni Nimsi, na siyang pinahiran ng langis ng Panginoon upang ihiwalay ang sangbahayan ni Achab.
Psalms 75:6Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran, o mula man sa timugan, ang pagkataas.