2 Samuel 1:10
Kaya tumayo ako sa ibabaw niya at pinatay ko siya, dahil alam ko na hindi na siya mabubuhay pagkatapos niyang bumagsak. At kinuha ko ang kaniyang korona na nasa kaniyang ulo at ang pulseras na nasa kaniyang kamay, at dinala ang mga ito dito para sa iyo, aking panginoon.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 9:54Pagkatapos madalian siyang tumawag sa batang lalaking taga-dala ng kaniyang baluti, at sinabi sa kaniya, “Ilabas mo ang iyong espada at patayin ako, para walang magsalita tungkol sa akin na, 'Isang babae ang pumatay sa kaniya.”' Kaya sinaksak siya ng kaniyang batang lalaki, at namatay siya.
1 Samuel 31:4Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang tagadala ng baluti, “Hugutin mo ang iyong espada at isaksak mo ito sa akin. Kung hindi, darating itong hindi mga tuli at lalapastanganin ako.” Ngunit ayaw gawin ng kanyang tagadala ng baluti, dahil takot na takot siya. Kaya kinuha ni Saul ang kanyang sariling espada at pinatay nito ang kanyang sarili.
2 Kings 11:12Pagkatapos inilabas ni Jehoiada si Joas ang anak ng hari, ipinatong ang korona sa kaniya, at ibinigay sa kaniya ang tipan ng mga utos. Ginawa nila siyang hari at pinahiran siya ng langis. Nagpalakpakan sila at sinabing, “Mabuhay ang hari!”
Matthew 7:2Sapagkat ang paghatol na iyong inihatol ay siyang ihahatol sa inyo. At ang panukat na inyong ginamit ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.