2 Samuel 10:6
Nang makita ng mga tao ng Ammon na sila ay naging isang masangsang na amoy kay David, nagpadala ng mga sugo ang mga tao ng Ammon at inupahan ang mga Arameo sa Bet Rehob at Soba, mga dalawampung libong sundalong naglalakad, at kasama ni haring Maaca ang isang libong kalalakihan, at mga tauhan ni Tob na may labindalawang libong kalalakihan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
7Nang marinig ito ni David, ipinadala niya si Joab at ang buong hukbo ng mga sundalo.
Cross References
Genesis 34:30Sinabi ni Jacob kay Simeon at Levi, “Nagdala kayo ng gulo sa akin upang bumaho ako sa mga naninirahan sa lupain, sa mga Cananeo at mga Perezeo. Kakaunti na lamang ang aking bilang. Kung iipunin nila ang kanilang mga sarili laban sa akin at lulusubin ako, malilipol ako, ako at ang aking sambahayan.
Deuteronomy 3:14Si Jair, kaapu-apuhan ni Manases, ay kinuha ang lahat ng rehiyon ng Argob hanggang sa hangganan ng lipi ng Gesureo at ng lipi ng Maacateo. Tinawag niya ang rehiyon, kahit ang Bashan, sa kaniyang sariling pangalan, Havvot Jair, hanggang sa araw na ito.)
Joshua 13:13Pero hindi pinalayas ng bayan ng Israel ang mga Gesurita o ang mga Maacateo. Sa halip, nanirahan ang Gesur at Maacat sa Israel hanggang sa araw na ito.
Judges 11:5Nang nakipagdigmaan ang mga tao sa Ammon laban sa Israel, pumunta ang mga nakatatanda ng Galaad kay Jefta para dalhin siya pabalik mula sa lupain ng Tob.
1 Samuel 13:4Narinig ng buong Israel na tinalo ni Saul ang kuta ng mga Filisteo, at naging isang bulok na amoy din ang Israel sa mga Filisteo. Pagkatapos sama-samang pinatawag ang mga sundalo upang sumama kay Saul sa Gilgal.
2 Samuel 8:3Pagkatapos tinalo ni David si Hadadezer lalaking anak ni Rehob, na hari ng Soba, habang naglalakbay para bawiin ang kaniyang pamumuno sa Ilog ng Eufrates.