2 Samuel 11:1
Dumating ang panahon ng tagsibol, ng panahong iyon karaniwang pumupunta ang mga hari sa digmaan, ipinadala ni David si Joab at ang kaniyang mga lingkod, at ang buong hukbo ng Israel. Winasak nila ang hukbo ng Ammon at kinubkob ang Rabba. Pero si David ay nanatili sa Jerusalem.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 3:11(Para sa mga natira sa Refaim, tanging si Og na hari ng Bashan ang naiwan; tumingin kayo, sa kaniyang higaan ay isang higaang bakal; hindi ba ito sa Rabba, kung saan ang mga kaapu-apuhan ni Ammon naninirahan? Siyam na kubito ang haba nito at apat na kubit ang lawak, sa paraan ng pag-sukat ng mga tao.)
1 Kings 20:22Kaya ang propeta ay lumapit sa hari ng Israel at sinabi sa kaniya, “Umalis ka, at palakasin ang iyong sarili, at unawain at planuhin ano ang iyong ginagawa, dahil sa pagbabalik ng taon ang hari ng Aram ay babalik muli laban sa iyo.”
1 Chronicles 20:1Nang sumapit ang tagsibol sa panahon na karaniwang nakikipagdigma ang mga hari. Pinangunahan ni Joab ang hukbo sa labanan at winasak nila ang lupain ng mga Ammonita. Pumunta siya at sinalakay ang Rabba, nanatili si David sa Jerusalem. Nilusob ni Joab ang Rabba at tinalo ito.
Psalms 60:9Sino ang magdadala sa akin sa malakas na lungsod? Sino ang maghahatid sa akin sa Edom?”
Ezekiel 21:20Tatakan mo ang isang daanan para sa hukbo ng Babilonia na pupunta sa Raba, sa lungsod ng mga Amonita. Tatakan mo ang isa pa upang ituro ang hukbo patungo sa Juda at sa lungsod ng Jerusalem, na pinatibay.