2 Samuel 12:11
Sinabi ni Yahweh, 'Tingnan, ibabangon ko ang kapahamakan laban sa iyo mula sa iyong sariling bahay. Sa harapan ng iyong mga mata, kukunin ko ang iyong mga asawa at ibibigay sila sa iyong kapwa at sisipingan niya ang iyong mga asawa sa maliwanag na araw.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 13:1Nangyari na pagkatapos nito labis na naakit si Amnon anak na lalaki ni David, kay Tamar na kaniyang kapatid na babae sa ama na kapatid na babaeng buo ni Absalom, isa pa sa mga anak na lalaki ni David.
2 Samuel 15:6Kumilos si Absalom sa ganitong paraan sa buong Israel na pumupunta sa hari para sa paghahatol. Kaya nakuha ni Absalom ang mga puso ng kalalakihan ng Israel.
2 Samuel 16:11Kaya sinabi ni David kay Abisai at sa lahat ng kaniyang lingkod, “Tingnan niyo, ang aking anak na lalaki na ipinanganak mula sa aking katawan ay gustong kunin ang aking buhay. Paano pa kaya ang pagnanais na sirain ang lipi ng Benjamin? Iwan siyang mag-isa at hayaan siyang magmura, dahil inutusan siya ni Yahweh na gawin ito.
2 Samuel 16:22Kaya naglatag sila ng isang tolda para kay Absalom sa ibabaw ng palasyo at sumiping si Absalom sa mga asawang alipin ng kaniyang ama sa paningin ng buong Israel.
Ezekiel 14:9Kapag nilinlang ang isang propeta at nagsabi ng isang mensahe, at ako, si Yahweh, lilinlangin ko ang propetang iyon, iuunat ko ang aking kamay laban sa kaniya at wawasakin ko siya sa kalagitnaan ng aking mga Israelita.
Hosea 4:13Nag-aalay sila sa mga tuktok ng mga bundok at nagsusunog ng insenso sa mga burol, sa ilalim ng mga ensina, mga alamo at mga roble, sapagkat mabuti ang lilim ng mga iyon. Kaya naman nakagawa ng sekswal na imoralidad ang inyong mga anak na babae at nangangalunya ang inyong mga manugang na babae.