2 Samuel 12:25
kaya nagpadala siya ng salita sa pamamagitan ni Natan ang propeta para pangalanan siyang Jedidias, dahil mahal siya ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And he sent by the hand of Nathan the prophet; and he called his name Jedidiah, because of the LORD.
In Context
Cross References
Deuteronomy 33:12Tungkol kay Benjamin, sinabi ni Moises: Ang isang minahal ni Yahweh ay namumuhay ng matiwasay sa tabi niya; iniingatan siya ni Yahweh sa mahabang panahon, at nabubuhay siya sa pagitan ng mga braso ni Yahweh.
2 Samuel 12:1Pagkatapos ipinadala ni Yahweh si Natan kay David. Pumunta siya sa kaniya at sinabi, “May dalawang lalaki sa isang lungsod. Mayaman ang isang lalaki at mahirap ang isa.
1 Kings 1:11Pagkatapos, kinausap ni Nathan si Batsheba na ina ni Solomon, sinasabing, “Hindi mo ba narinig na si Adonias na anak ni Haguit ay naging hari, at hindi ito alam ni David na ating panginoon?
1 Kings 4:5Si Azarias, anak ni Natan, ay tagapamahala ng mga pinuno. Si Zabud, anak ni Natan, ay isang pari at kaibigan ng hari.
Matthew 3:17Masdan ito, may isang tinig na mula sa mga langit na nagsasabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak. Lubos akong nalulugod sa kaniya.”