2 Samuel 12:5
Nag-aapoy sa galit si David laban sa mayamang lalaki at nagalit siya ng labis kay Natan, “Habang si Yahweh ay nabubuhay, dapat patayin ang lalaking gumawa nito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 38:24Dumating ang panahon, pagkalipas ng tatlong buwan na sinabi kay Juda, “Ang iyong manugang na si Tamar ay naging babaeng bayaran, at totoo nga, siya ay nabuntis sa dahil doon.” Sinabi ni Juda, “Siya'y ilabas upang sunugin.”
1 Samuel 20:31Dahil habang nabubuhay sa mundo ang anak na lalaki ni Jesse, hindi ikaw ni ang iyong kaharian ang maitatatag. Ngayon, ipadala mo siya at dalhin mo siya sa akin sapagkat tiyak na dapat siyang mamatay.”
1 Samuel 26:16Hindi maganda ang bagay na ito na iyong ginawa. Habang nabubuhay si Yahweh, nararapat kang mamatay dahil hindi mo binantayan ang iyong panginoon na hinirang ni Yahweh. At ngayon tingnan mo kung nasaan ang sibat ng hari, at ang banga ng tubig na nasa kanyang ulonan.”
Luke 6:41At bakit mo tinitingnan ang maliit na piraso ng dayami sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo napapansin ang troso sa iyong sariling mata?
Romans 2:1Kaya wala kang maidadahilan, ikaw tao, ikaw na humahatol, sapagkat kung ano ang hatol mo sa iba, iyon ang hatol mo sa iyong sarili. Sapagkat ikaw na humahatol ay gumagawa din ng ganoong mga bagay.