2 Samuel 12:7
Pagkatapos sinabi ni Nathan kay David, “Ikaw ang lalaking iyon! Sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, 'Pinahiran kita ng langis para maging hari ng buong Israel at iniligtas kita mula sa kamay ni Saul.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 13:13Pagkatapos sinabi ni Samuel kay Saul, “Kumilos ka ng may kahangalan. Hindi mo sinunod ang utos ni Yahweh na iyong Diyos na ibinigay niya sa iyo. Sa gayon itinatag sana ni Yahweh ang iyong pamumuno sa Israel magpakailanman.
1 Samuel 16:13Pagkatapos kinuha ni Samuel ang sungay ng langis at binuhusan siya sa gitna ng kanyang mga kapatid na lalaki. Mula sa araw na iyon lumukob ang Espiritu ni Yahweh kay David. Pagkatapos bumangon si Samuel at pumunta sa Rama.
1 Samuel 18:21Pagkatapos inisip ni Saul, “Ibibigay ko siya sa kanya, upang siya'y maging bitag sa kanya, at upang ang kamay ng mga taga-Filisteo ay maging laban sa kanya.” Kaya sinabi ni Saul kay David sa pangalawang pagkakataon, “Ikaw ang aking magiging manugang na lalaki.”
1 Samuel 23:7Sinabihan si Saul na pumunta si David sa Keila. Sinabi ni Saul, “Ibinigay siya ng Diyos sa aking kamay. Dahil nakulong siya sapagkat pumasok siya sa isang lungsod na may mga tarangkahan at mga rehas.”
1 Samuel 23:26Pumunta si Saul sa isang panig ng bundok, at pumunta si David at ang kanyang mga tauhan sa kabilang panig ng bundok. Nagmadaling tumakas si David mula kay Saul. Habang nakapalibot sina Saul at kanyang mga tauhan kay David at kanyang mga tauhan upang dakpin sila,
2 Samuel 14:13Kaya sinabi ng babae, “Sa gayon bakit ka nag-iisip ng ganoong bagay laban sa mga tao ng Diyos? Dahil sa pagsasabi ng bagay na ito, ang hari ay katulad ng isang tao na makasalanan, dahil hindi na ibinalik pauwi ng hari ang pinalayas niyang anak.