2 Samuel 13:12
Sumagot siya sa kaniya, “Hindi, aking kapatid, huwag mo akong pilitin, dahil walang dapat mangyaring gantong bagay sa Israel. Huwag mong gawin itong nakapanlulumong bagay!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 34:7Dumating ang mga anak na lalaki ni Jacob na galing sa bukid nang marinig nila ang nangyari. Nasaktan ang mga lalaki. Labis silang nagalit dahil pinahiya nila ang Israel sa pagpupumilit sa kanyang sarili sa anak na babae ni Jacob, dahil ang bagay na iyon ay hindi dapat ginawa.
Leviticus 18:11Huwag kayong sumiping sa babaeng anak ng asawa ng inyong ama. Siya ay inyong kapatid, at hindi dapat kayo sumiping sa kanya.
Deuteronomy 22:29sa gayon ang lalaking sumiping sa kaniya ay dapat magbigay ng limampung mga shekel na pilak sa ama ng babae, at siya ay dapat maging kaniyang asawa, dahil ipinahiya niya siya. Hindi niya maaaring palayasin siya sa buong buhay niya.
Judges 20:6Kinuha ko ang aking isa pang asawa at pinagpira-piraso ang kaniyang katawan, at ipinadala ang mga ito sa bawat rehiyon na ipinamana sa Israel, dahil nakagawa sila ng kasamaan at kalapastanganan sa Israel.
Proverbs 7:7at aking nakita ang karamihan ng batang lalaki na hindi pa natuturuan. Nakita ko sa karamihan ng kabataan ang isang batang lalaking na wala sa kaisipan.