2 Samuel 14:22
Kaya nagpatirapa si Joab sa lupa bilang paggalang at pasasalamat sa hari. Sinabi ni Joab, “Ngayon alam ng iyong lingkod na nakasumpong ako ng kabutihang-loob sa iyong paningin, aking panginoon na hari na ginawa ng hari ang kahilingan ng kaniyang lingkod.''
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
23Kaya tumayo si Joab, pumunta sa Gesur at dinala si Absalom pabalik sa Jerusalem.
Cross References
Exodus 33:16Dahil kung hindi, paano malalaman na ako ay nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, ako at ang inyong bayan? Hindi ba nararapat lamang na sumama ka sa amin para ako at ang iyong bayan ay maiba mula sa lahat ng ibang bayan na nasa ibabaw ng mundo?
1 Samuel 20:3Gayunman nangako muli si David at sinabing, “Alam na alam ng iyong ama na nakasumpong ako ng pabor sa iyong paningin. Nasabi niyang, 'Huwag hayaang malaman ito ni Jonatan, o magluluksa siya.' Ngunit tunay nga na habang nabubuhay si Yahweh, at habang nabubuhay ka, may isang hakbang lamang sa pagitan ko at ng kamatayan.”
2 Samuel 19:39Pagkatapos tumawid ang lahat ng mga tao sa Jordan, at tumawid ang hari, at hinalikan ng hari si Barzilai at pinagpala siya. Pagkatapos bumalik si Barzilai sa kaniyang sariling tahanan.
Job 29:11Dahil matapos akong marinig ng kanilang mga tainga, pagpapalain nila ako; matapos akong makita ng kanilang mga mata, nagpapatotoo sila at sumasang-ayon sa akin
Proverbs 31:28Ang kaniyang mga anak ay babangon at tinatawag siyang pinagpala; ang kaniyang asawang lalaki ay pupurihin na nagsasabing,