2 Samuel 14:25
Ngayon, walang sinuman sa buong Israel ang pinuri para sa kaniyang kakisigan na higit pa kay Absalom. Walang kapintasan sa kaniya mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa tuktok ng kaniyang ulo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:35Sasalakayin kayo ni Yahweh sa mga tuhod at mga binti sa pamamagitan ng matinding mga pigsa na kung saan hindi ninyo mapapagaling, mula sa ibaba ng inyong mga paa hanggang sa itaas ng inyong ulo.
1 Samuel 16:7Ngunit sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Huwag kang tumingin sa kanyang panlabas na anyo, o sa taas ng kanyang tindig; dahil tinanggihan ko siya. Sapagka't hindi tumitingin si Yahweh katulad nang pagtingin ng tao; sa panlabas na anyo tumitingin ang tao, ngunit sa puso tumitingin si Yahweh.”
Job 2:7Kaya umalis si Satanas sa presensiya ni Yahweh at nilagyan ng mga malubhang pigsa si Job mula sa kaniyang talampakan hanggang sa bumbunan.
Isaiah 1:6Mula talampakan hanggang sa ulo, walang bahagi na katawan niyo ang walang pinsala; mga gasgas, at pasa at mga sariwang sugat; hindi sila nagsara, ni nilinisan, ni ginamot o nilagyan ng langis.
Matthew 23:27Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat tulad kayo ng mga mapuputing puntod na nilinis na magandang tingnan sa labas, ngunit sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay at lahat ng karumihan.