2 Samuel 15:30
Pero umakyat si David nang nakapaa at umiiyak paakyat sa Bundok ng mga Olibo, at tinakpan niya ang kaniyang ulo. Tinakpan ng bawat isang mga taong kasama niya ang kanilang ulo at umakyat silang umiiyak habang naglalakad.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
29Kaya dinala ni Zadok at Abiatar ang kaban ng Diyos pabalik sa Jerusalem at nanatili sila roon.
Cross References
2 Samuel 19:4Tinakpan ng hari ang kaniyang mukha at umiyak sa isang malakas na tinig, “Anak kong Absalom, Absalom, anak ko, anak ko!”
Esther 6:12Bumalik si Mordecai sa tarangkahan ng hari. Ngunit nagmadali si Haman sa kanyang bahay, nagluluksa, na may takip ang ulo.
Psalms 43:5Bakit ka yumuyukod, aking kaluluwa? Bakit ka nababalisa sa aking kalooban? Umasa ka sa Diyos; dahil magpupuri pa ako sa kaniya, siya na aking saklolo at aking Diyos.
Isaiah 20:2Sa panahon na iyon, nagsalita si Yahweh kay Isaias ang anak na lalaki ni Amoz at sinabing, “Hubarin mo ang iyong sako sa iyong baywang, at tanggalin mo ang iyong sandalyas”. Ginawa niya ito, naglalakad ng hubad at nakayapak.
Ezekiel 24:17Dapat kang maghinagpis nang tahimik. Huwag magsagawa ng pagluluksa para sa patay. Itali ang iyong turbante at isuot mo ang sandalyas sa iyong paa, ngunit huwag mong takpan ng belo ang iyong balbas o kainin ang tinapay ng mga kalalakihang nagdadalamhati sapagkat namatay ang kanilang mga asawa.”
Zechariah 14:4Sa araw na iyon, tatayo ang kaniyang mga paa sa Bundok ng mga Olibo, na nasa tabi ng Jerusalem sa silangan. Ang Bundok ng mga Olibo ay mahahati sa pagitan ng silangan at ng kanluran sa pamamagitan ng isang napakalaking lambak, at kalahati ng bundok ay maililipat sa dakong hilaga at ang kalahati sa dakong timog.