2 Samuel 15:8
Dahil gumawa ang iyong lingkod ng isang panata habang naninirahan ako sa Gesur sa Aram, sa pagsasabing; “Kung talagang dadalhin ulit ako ni Yahweh sa Jerusalem, sa gayon sasambahin ko si Yahweh.”'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
9Kaya sinabi ng hari sa kaniya, “Umalis nang mapayapa.” Kaya tumayo si Absalom at pumunta sa Hebron.
Cross References
Genesis 28:20Si Jacob ay sumumpa ng isang panata na nagsasabing, “Kung ang Diyos ay kasama ko at pangangalagaan ako sa daang ito na aking nilalakaran, at bibigyan ako ng tinapay para kainin, at mga damit para suutin,
Joshua 24:15Kung tila mali ito sa inyong mga paningin para sambahin ninyo si Yahweh, kayo na mismo ang pumili ngayong araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran, kung ang mga diyos na sinamba ng inyong mga ninuno sa ibayo ng Eufrates o ang mga diyos ng mga Amoreo, kung saang lupain kayo naninirahan. Pero para sa akin at sa aking sambahayan, sasambahin namin si Yahweh.”
1 Samuel 16:2Sinabi ni Samuel, “Paano ako pupunta? Kung marinig ito ni Saul, papatayin niya ako.” Sinabi ni Yahweh, “Magdala ka ng dumalagang baka at sabihin, 'Pumarito ako para mag-alay kay Yahweh.'
2 Samuel 13:38Kaya tumakas si Absalom at pumunta sa Gesur, kung saan siya nanatili sa loob ng tatlong taon.
2 Samuel 14:32Sumagot si Absalom kay Joab, “Tingnan, nagpadala ako ng salita sa iyo na nagsasabing, 'Pumarito ka para maaaring maipadala kita sa hari para sabihin na, “Bakit pa ako pumarito mula sa Gesur? Mas mabuti pang nanatili ako roon. Kaya ngayon hayaan akong makita ang mukha ng hari at kung nagkasala ako, hayaan siyang patayin ako."”'
Ecclesiastes 5:4Kapag ikaw ay mamamanata sa Diyos, huwag patagalin ang pagtupad nito, dahil walang kasiyahan ang Diyos sa mga mangmang. Gawin ang iyong panata.