2 Samuel 16:5
Nang lumapit si Haring David sa Bahurim, may lumabas mula roon na isang lalaki mula sa angkan ni Saul na ang pangalan ay Simei anak ni Gera. Lumabas siyang nagmumura habang naglalakad.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 22:28Hindi dapat ninyo ako nilalapastangan, ako na inyong Diyos, ni sumpain ang namumuno sa inyong bayan.
2 Samuel 3:16Sumama ang kaniyang asawa sa kaniya, umiiyak habang papaalis, at sinundan siya sa Bahurim. Pagkatapos sinabi ni Abner sa kaniya, “Bumalik sa bahay mo ngayon.” Kaya nagbalik siya.
2 Samuel 17:18Pero nakita sila ng isang binata at sinabi kay Absalom. Kaya nagmadaling umalis sina Jonatan at Ahimaaz at dumating sa bahay ng isang tao sa Bahurim, na may isang balon sa kaniyang patyo, kung saan sila bumaba.
2 Samuel 19:17Mayroong isang libong kalalakihan mula kay Benjamin na kasama niya, at si Ziba ang lingkod ni Saul, at kaniyang labinlimang anak na lalaki at dalawampung lingkod na kasama niya.
2 Samuel 19:22Pagkatapos sinabi ni David, “Ano ba ang dapat kong gawin sa inyo, kayo na mga anak na lalaki ni Zeruias, na kayo ay maging kaaway ko sa araw na ito? Maaari bang malagay ng sinumang lalaki sa kamatayan sa araw na ito sa Israel? Dahil hindi ko alam na sa araw na ito ako ang hari ng Israel?”
1 Kings 2:8Tingnan mo, kasama mo si Semei na anak ni Gera, ang Benjaminita ng Bahurim, na sinumpa ako ng isang napakasamang sumpa noong araw na pumunta ako sa Mahanaim. Bumaba si Semei para salubungin ako sa Jordan, at sumumpa ako sa kaniya kay Yahweh, sinasabi ko, 'Hindi kita papatayin gamit ang espada.'