2 Samuel 17:23
Nang makita ni Ahitofel na hindi sinunod ang kaniyang payo, nilagyan niya ng upuan ang kaniyang asno at umalis. Umuwi siya sa kaniyang sariling lungsod, inayos ang kaniyang mga bagay-bagay at nagbigti siya. Sa ganitong paraan namatay siya at inilibing sa libingan ng kaniyang ama.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 31:4Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang tagadala ng baluti, “Hugutin mo ang iyong espada at isaksak mo ito sa akin. Kung hindi, darating itong hindi mga tuli at lalapastanganin ako.” Ngunit ayaw gawin ng kanyang tagadala ng baluti, dahil takot na takot siya. Kaya kinuha ni Saul ang kanyang sariling espada at pinatay nito ang kanyang sarili.
2 Samuel 15:31May isang taong nakapagsabi kay David na, “Si Ahitofel ay kasama sa mga kasabwat ni Absalom.” Kaya nanalangin si David, “O Yahweh, pakiusap gawin mong kahangalan ang payo ni Ahitofel.”
2 Kings 20:1Sa mga panahon na iyon ay may sakit si Hezekias na maaari niyang ikamatay. Kaya pinuntahan siya ni Isaias ang anak ni Amoz, at sinabi sa kaniya, “Sinasabi ni Yahweh, 'Ihanda mo ang iyong sambahayan; dahil mamamatay ka na, at hindi na mabubuhay.'”
Psalms 5:10Ihayag mong sila ay may sala, O Diyos; nawa ang kanilang mga balakin ang magpabagsak sa kanila! Itaboy mo sila dahil sa maraming kasalanan nila, dahil sila ay sumuway laban sa iyo.
Psalms 109:20Nawa ito ang maging gantimpala ng aking mga tagapagbintang mula kay Yahweh, mga nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa akin.
Proverbs 19:3Pinapahamak ng kamangmangan ng tao ang kaniyang buhay, at ang puso niya ay nagagalit laban kay Yahweh.