2 Samuel 18:14
Pagkatapos sinabi ni Joab, “Hindi na ako maghihintay sa iyo.” Kaya nagdala si Joab ng tatlong sibat sa kaniyang kamay at isinaksak ang mga ito sa puso ni Absalom, habang buhay pa siya at nakabitin mula sa kahoy.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 4:21Pagkatapos nagdala si Jael (ang asawa ni Heber) ng isang pakong kahoy ng tolda at martilyo sa kaniyang kamay at palihim na pumunta sa kaniya, dahil siya ay nasa mahimbing na pagtulog, at ipinukpok niya ang pakong kahoy sa tagiliran ng kaniyang ulo at ito ay tumusok patagos sa kaniya at bumaba sa lupa. At siya ay namatay.
Judges 5:31Kaya nawa'y mamatay ang lahat inyong kaaway, Yahweh! Pero hayaan ang umibig sa kaniya na maging katulad ng araw kapag sumikat ito sa kaniyang lakas.” At may kapayapaan sa lupain sa loob ng apatnapung taon.
2 Samuel 14:30Kaya sinabi ni Absalom sa kaniyang mga lingkod, “Tingnan, malapit sa akin ang bukid ni Joab at mayroon siyang sebada roon. Puntahan ninyo at sunugin ito.” Kaya sinunog ng mga lingkod ni Absalom ang bukid.
2 Samuel 19:1Sinabihan si Joab, “Tingnan mo, humagulgol ang hari at nagluksa para kay Absalom.”
Job 20:5saglit lang ang katagumpayan ng masama, at ang kagalakan ng taong hindi naniniwala diyos ay hindi nagtatagal?
Psalms 45:5Ang iyong mga palaso ay matalim; ang mga tao ay babagsak sa iyong ilalim; ang iyong mga palaso ay nasa puso ng mga kalaban ng hari.