2 Samuel 18:2
Pagkatapos ipinadala ni David ang hukbo, isang-katlo sa ilalim ng pamumuno ni Joab, isa pang katlo sa ilalim ng pamumuno ni Abisai anak ni Zeruias, kapatid ni Joab at isa pa ring katlo sa ilalim ng pamumuno ni Itai na taga-Gat. Sinabi ng hari sa hukbo, “Titiyakin kong sasama rin ako sa inyo..”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 7:19Kaya dumating si Gideon at ang isandaang lalaki na kasama niya sa bawat sulok ng kampo, sa pagsisimula ng kalagitnaang pagbabantay. Habang nagpapalit ng mga tagabantay ang mga Midianita, hinipan nila ang mga trumpeta at binasag ang mga tapayang nasa kanilang mga kamay.
1 Samuel 11:11Sumunod na araw, hinati ni Saul ang mga tao sa tatlong pangkat. Dumating sila sa gitna ng kampo sa oras ng pang-umagang tanod at sinalakay at tinalo nila ang mga Ammonita hanggang sa kainitan ng araw. Kumalat ang mga nakaligtas, at walang dalawa sa kanila ang naiwang magkasama.
2 Samuel 10:7Nang marinig ito ni David, ipinadala niya si Joab at ang buong hukbo ng mga sundalo.
2 Samuel 10:10Ibinigay niya ang pamumuno sa kapatid niyang lalaki na si Abisai ang mga nalalabing hukbo, at inilagay sila sa mga hanay ng pandigma laban sa hukbo ng Ammon.
2 Samuel 17:11Kaya pinapayuhan kita na dapat sama-samang magtipon ang buong Israel sa iyo, mula sa Dan hanggang Beer-seba, kasindami ng buhangin na nasa tabing-dagat at pupunta ka mismo sa labanan.
2 Samuel 23:18Si Abisai, lalaking kapatid ni Joab at lalaking anak ni Zeruias, ang kapitan ng tatlo. Minsan na siyang nakipaglaban sa tatlong daang kalalakihan gamit ang kaniyang sibat at pinatay sila. Madalas siyang banggitin kasama ng tatlong kawal.