2 Samuel 18:31
Pagkatapos kaagad namang dumating ang Cusita at sinabing, “May mabuting balita para sa aking panginoong hari, dahil ipinaghiganti ka ni Yahweh sa araw na ito mula sa lahat ng nag-alsa laban sa iyo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:35Ako ang magbibigay ng paghihiganti, at kabayaran, sa panahon na madudulas ang kanilang paa; dahil ang araw ng kapahamakan para sa kanila ay nalalapit, at ang mga bagay na darating sa kanila ay mabilis na mangyayari.”
2 Samuel 18:28Pagkatapos sumigaw si Ahimaaz at sinabi sa hari, “Mabuti ang lahat.” At iniyukod niya ang kaniyang sarili sa harapan ng hari na nakadikit ang kaniyang mukha sa lupa at sinabing, “Pagpalain si Yahweh na iyong Diyos, na siyang nagbigay sa mga lalaking nagtaas ng kanilang kamay laban sa aking panginoong hari.”
2 Samuel 22:49Ginawa niya akong malaya mula sa aking mga kaaway. Sa katunayan, itinaas mo ako sa ibabaw ng mga lumalaban sa akin. Iniligtas mo ako mula sa marahas na kalalakihan.
Psalms 94:1Yahweh, ang Diyos na naghihiganti, magliwanag ka sa amin.
Luke 18:7Ngayon, hindi ba ibibigay din ng Diyos ang katarungan sa kaniyang mga hinirang na dumaraing sa kaniya araw at gabi? Hindi ba siya magiging matiyaga sa kanila?