2 Samuel 18:9
Nagkataong nakasalubong ni Absalom ang ilan sa mga sundalo ni David. Nakasakay si Absalom sa kaniyang mola at napadaan ang mola sa ilalim ng makakapal na sanga ng isang malaking punong kahoy at sumabit ang kaniyang ulo sa mga sanga ng puno. Naiwan siyang nakabitin sa pagitan ng lupa at ng langit habang nagpatuloy sa pagtakbo ang kaniyang sinasakyang mola.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 21:23sa gayon ang kaniyang katawan ay hindi dapat manatili ng buong gabi sa puno. Sa halip, dapat ninyo tiyakin at ilibing siya sa araw ding iyon; sapagka't sinumang ibinitin ay isinumpa ng Diyos. Sundin ang kautusang ito ng sa ganoon hindi ninyo madungisan ang lupain na ibinigay ni Yahweh na inyong Diyos bilang isang pamana.
Deuteronomy 27:20'Nawa'y isumpa ang taong sumiping sa asawa ng kaniyang ama, dahil kinuha niya ang karapatan ng kaniyang ama.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
2 Samuel 17:23Nang makita ni Ahitofel na hindi sinunod ang kaniyang payo, nilagyan niya ng upuan ang kaniyang asno at umalis. Umuwi siya sa kaniyang sariling lungsod, inayos ang kaniyang mga bagay-bagay at nagbigti siya. Sa ganitong paraan namatay siya at inilibing sa libingan ng kaniyang ama.
Job 18:8Dahil siya ay ihahagis sa isang lambat ng kaniyang sariling mga paa; lalakad siya sa isang patibong.
Psalms 63:9Pero mapupunta sa kailaliman ng bahagi ng mundo sila na naghahanap para wasakin ang buhay ko.
Proverbs 30:17Ang mata na nangungutya sa isang ama at nasusuklam sa pagsunod sa isang ina, ang kaniyang mga mata ay tutukain ng mga uwak sa lambak, at siya ay kakainin ng mga buwitre.