2 Samuel 19:27
Siniraan ako ng aking lingkod na si Ziba, ang iyong lingkod, sa aking panginoong hari. Pero ang aking panginoong hari ay gaya ng isang anghel ng Diyos. Sa gayon, gawin ang anumang mabuti sa iyong paningin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 29:9Sumagot si Aquis at sinabi kay David, “Alam kong kasinlinis ka ng isang anghel ng Diyos sa aking paningin; gayunpaman, sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo, 'Hindi siya maaaring umakyat kasama natin sa labanan.'
2 Samuel 9:13Kaya nanirahan si Mefisobet sa Jerusalem, at lagi siyang kumakain sa lamesa ng hari, kahit pilay ang pareho niyang paa.
2 Samuel 14:20Ang iyong lingkod na si Joab ang gumawa nito para palitan ang takbo ng pangyayari. Matalino ang aking panginoon, katulad ng katalinuhan ng isang anghel ng Diyos at alam niya ang lahat ng bagay na nangyayari sa lupain.”
Psalms 15:3Hindi siya naninirang-puri gamit ang kaniyang dila, o nananakit ng iba, o nang-iinsulto ng kaniyang kapwa.
Jeremiah 9:4Bantayan ng bawat isa sa inyo ang inyong kapwa at huwag magtiwala sa sinumang kapatid. Sapagkat mandaraya ang bawat kapatid at namumuhay sa paninirang-puri ang bawat kapwa.