2 Samuel 19:43
Sumagot ang kalalakihan ng Israel sa kalalakihan ng Juda, “Mayroon kaming sampung liping kamag-anak ng hari, kaya mas may karapatan kami kay David kaysa sa inyo. Kung kaya bakit ninyo kami nilinlang? Hindi ba ang aming mungkahi na ibalik ang aming hari ang unang pinakinggan?” Pero ang mga salita ng kalalakihan ng Juda ay naging mas marahas kaysa sa mga salita ng kalalakihan ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 9:23Nagpadala ang Diyos ng masamang espiritu sa pagitan ni Abimelec at mga pinuno ng Shekem. Pinagtaksilan ng mga pinuno ng Sechem ang tiwalang mayroon sila kay Abimelec.
2 Samuel 5:1Pagkatapos pumunta ang lahat ng lipi ng Israel kay David sa Hebron at sinabi, “Tingnan mo, kami ay iyong laman at buto.
2 Samuel 19:14At nakuha niya ang mga puso ng lahat ng tao sa Juda, na parang sila ay puso ng isang tao, nang sa gayon nagpadala sila sa hari sinasabing, “Bumalik ka, ikaw at lahat ng iyong kalalakihan.”
2 Samuel 20:6Kaya sinabi ni David kay Abisai, “Ngayon si Seba anak na lalaki ni Bicri ay gagawan tayo ng mas maraming pinsala kaysa sa ginawa ni Absalom. Kunin ang mga lingkod ng iyong panginoon, aking mga sundalo, at tugisin siya o baka makahanap siya ng pinatibay na mga lungsod at makawala sa ating paningin.”
1 Kings 12:16Nang makita ng buong Israel na hindi sila pinakinggan ng hari, sinagot siya ng mga tao at sinabi, “Anong bahagi mayroon kami kay David? Wala kaming mana sa anak ni Jesse! Umuwi kayo sa inyong mga tolda, Israel. Ngayon pangalagaan mo ang sarili mong bahay, David.” Kaya nagbalik ang Israel sa kanilang mga tolda.
Proverbs 15:1Ang malumanay na sagot ay nag-aalis ng poot, pero ang malupit na salita ay nagsasanhi ng galit.