The Bible Software
bible.software › 2 Samuel › 2 Samuel 20 › 2 Samuel 20:10

2 Samuel 20:10

Hindi napansin ni Amasa ang punyal na nasa kaliwang kamay ni Joab. Sinaksak ni Joab si Amasa sa tiyan at nahulog sa lupa ang kaniyang mga bituka. Hindi na siya hinampas muli ni Joab, at namatay si Amasa. Kaya si Joab at Abisai kaniyang kapatid na lalaki ay hinabol si Seba anak na lalaki ni Bicri.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

But Amasa took no heed to the sword that was in Joab’s hand: so he smote him therewith in the fifth rib, and shed out his bowels to the ground, and struck him not again; and he died. So Joab and Abishai his brother pursued after Sheba the son of Bichri.

In Context

9Kaya sinabi ni Joab kay Amasa, “Mabuti ba ang lagay mo, aking pinsan?” Magiliw ni Joab na kinuha ang balbas ni Amasa ng kaniyang kanang kamay para halikan siya.

11Pagkatapos isa sa kalalakihan ni Joab ay tumayo sa gilid ni Amasa, at sinabi ng lalaki, “Siya na pumapanig kay Joab, at siya na kay David, hayaan silang sumunod kay Joab.”

Read all of 2 Samuel 20

Cross References

Judges 3:15Pero nang tumawag ang bayan ng Israel kay Yahweh, nagtalaga ng isang tao si Yahweh na tutulong sa kanila, si Ehud na anak na lalaki ni Gera, isang Benjamita, at kaliwete. Ipinadala siya ng bayan ng Israel, kasama ang pugay na pambayad, kay Eglon na hari sa Moab.

1 Samuel 26:8Pagkatapos sinabi ni Abisai kay David, “Sa araw na ito inilagay ng Diyos sa iyong kamay ang iyong kaaway. Ngayon pakiusap hayaan mong itusok ko siya sa lupa sa pamamagitan ng sibat sa isang bagsak lamang. Hindi ko siya hahampasin ng pangalawang pagkakataon.”

2 Samuel 3:27Nang makabalik si Abner sa Hebron, dinala siya ni Joab sa isang tabi sa gitna ng tarangkahan para kausapin siya ng tahimik. Doon sinaksak siya ni Joab sa tiyan at pinatay siya. Sa ganitong paraan, naipaghiganti ni Joab ang dugo ni Asahel na kaniyang kapatid na lalaki.

1 Kings 2:5Alam mo rin kung ano ang ginawa sa akin ni Joab na anak ni Zeruias, at kung ano ang ginawa niya sa dalawang kumander ng mga hukbo ng Israel, kay Abner na anak ni Ner, at kay Amasa na anak ni Jeter, na pinatay niya. Pinadanak niya ang dugo ng digmaan sa panahon ng kapayapaan at inilagay ang dugo ng digmaan sa sinturon sa palibot ng kaniyang baywang at sa mga sapatos niya sa kaniyang mga paa.

1 Chronicles 12:2Sila ay may dalang mga pana at kaya nilang gamitin ang parehong kanan at kaliwang kamay sa pagtirador at sa pagpana ng mga palaso mula sa pana. Sila ay galing sa lahi ni Benjamin, na kalahi ni Saul

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study 2 Samuel 20:10

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← 2 Samuel 20:92 Samuel 202 Samuel 20:11 →