2 Samuel 20:22
Pagkatapos pumunta ang babae sa lahat ng tao sa kaniyang karunungan. Pinutol nila ang ulo ni Seba anak na lalaki ni Bicri, at itinapon ito palabas kay Joab. Pagkatapos hinipan niya ang trumpeta at nilisan ng mga tauhan ni Joab ang lungsod, bawat lalaki sa kaniyang tahanan. At bumalik si Joab sa Jerusalem sa hari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 2:28Kaya pinatunog ni Joab ang trumpeta, at ang lahat ng kaniyang tauhan ay tumigil at hindi na tinugis kailanman ang Israel, ni hindi na sila naglaban kailanman.
2 Samuel 11:6Pagkatapos nagpadala ng liham si David kay Joab, na nagsasabing, “Ipadala si Urias na isang Heteo.” Kaya ipinadala ni Joab si Urias kay David.
2 Samuel 18:17Kinuha nila si Absalom at itinapon siya sa isang malaking hukay sa kagubatan; inilibing nila ang kaniyang katawan sa ilalim ng isang malaking tumpok ng mga bato, habang tumatakas ang buong Israel, ang bawat tao sa kanilang sariling tahanan.
2 Samuel 20:16Pagkatapos isang matalinong babae ang sumigaw sa labas ng lungsod, “Makinig kayo, pakiusap makinig ka, Joab! Lumapit ka sa akin para maaari akong makipag-usap sa iyo.”
Ecclesiastes 8:11Kapag ang isang hatol sa isang masamang krimen ay hindi agad ipinatupad, hinihikayat nito ang puso ng taong gumawa ng masama.