2 Samuel 22:31
Para sa Diyos, ang kaniyang paraan ay tama. Ang salita ni Yahweh ay dalisay. Siya ay isang panangga sa bawat taong nagkukubli sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
32Dahil sino ang Diyos maliban kay Yahweh? At sino ang isang bato maliban sa ating Diyos?
Cross References
Deuteronomy 32:4Ang Batong tanggulan, ang kaniyang ganap na gawa; dahil ang lahat ng kaniyang landas ay husto. Siya ang matapat na Diyos na siyang walang kasamaan. Siya ay makatarungan at matuwid.
Nehemiah 9:8Natagpuan mong tapat ang kaniyang puso sa iyong harapan, at gumawa ka ng tipan sa kaniya na ibibigay mo sa kaniyang mga kaapu-apuhan ang lupain ng Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Jebuseo at ng Gergeseo. Pinanatili mo ang iyong pangako dahil ikaw ay matuwid.
Psalms 2:7Ihahayag ko ang kautusan ni Yahweh. Sinabi niya sa akin, “Ikaw ay aking anak! Ngayong araw, ako ay naging iyong ama.
Psalms 18:30Patungkol sa Diyos: ang kaniyang pamamaraan ay ganap. Ang salita ni Yahweh ay dalisay! Siya ang panangga sa sinumang kumukubli sa kaniya.
Psalms 84:9O Diyos, bantayan ang aming kalasag; magpakita ka ng pag-aalala sa inyong hinirang.
Psalms 119:140Labis nang nasubok ang iyong salita, at iniibig ito ng iyong lingkod.