2 Samuel 22:4
Tatawag ako kay Yahweh, na karapatdapat purihin, at maliligtas ako mula sa aking mga kaaway.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
I will call on the LORD, who is worthy to be praised: so shall I be saved from mine enemies.
In Context
Cross References
Nehemiah 9:5Tapos ang mga Levita, Jeshua, at Kadmiel, Bani, Hasabneias, Serebias, Hodias, Sebanias at Petahias, ay sinabing, “Tumayo kayo at magbigay ng papuri kay Yahweh na inyong Diyos magpakailanman.” “Nawa pagpalain nila ang iyong maluwalhating pangalan, at madakila ito nang higit sa anumang pagpapala at pagpupuri.
Psalms 34:6Ang inapi ay umiyak, at narinig siya ni Yahweh at niligtas mula sa lahat ng kaniyang mga kaguluhan.
Psalms 50:15Tumawag kayo sa akin sa araw ng kaguluhan; sasagipin ko kayo, at ako ay inyong luluwalhatiin.”
Psalms 56:9Pagkatapos tatalikod ang aking mga kaaway sa araw ng aking pagtawag sa iyo; ito ang aking nalalaman, na ang Diyos ay para sa akin.
Psalms 66:2Awitin ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan; gawing maluwalhati ang kaniyang kapurihan.
Psalms 106:2Sinong makapagsasalaysay ng mga makapangyarihang gawa ni Yahweh o makapagpapahayag sa lahat ng kaniyang mga kapuri-puring gawa nang buong-buo?