2 Samuel 23:1
Ngayon, ito ang mga huling sinabi ni David—David na lalaking anak ni Jesse, ang taong mataas na kinikilala, ang siyang pinahiran ng langis ng Diyos ni Jacob, ang matamis na manunulat ng awit ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
2“Nangusap sa pamamagitan ko ang Espiritu ni Yahweh at nasa aking dila ang kaniyang salita.
Cross References
Deuteronomy 33:1Ito ang pagpapala kung saan pinagpala ni Moises na tao ng Diyos ang bayan ng Israel bago ang kaniyang kamatayan.
1 Samuel 2:10Magkakapira-piraso ang mga sumasalungat kay Yahweh; magpapakulog siya mula sa langit laban sa kanila. Si Yahweh ang huhusga sa mga dulo ng mundo. Bibigyan niya ng kalakasan ang kanyang hari at itataas niya ang sungay ng kanyang hinirang.”
1 Samuel 17:12Ngayon si David ay anak ng Efrateo ng Betlehem sa Juda, na nagngangalang Jesse. Mayroong siyang walong anak na lalaki. Isang matandang lalaki si Jesse sa panahon ni Saul, higit sa gulang sa mga kalalakihan.
2 Samuel 7:8Sa gayon, sabihin mo sa aking lingkod na si David, “Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Kinuha kita mula sa pastulan, mula sa pagsunod sa mga tupa, para maging pinuno ka ng Israel aking mga tao.
2 Samuel 22:51Nagbibigay ng dakilang tagumpay ang Diyos sa kaniyang hari, at ipinapakita niya ang kaniyang katapatang tipan sa kaniyang hinirang, kay David at sa kaniyang kaapu-apuhan magpakailanman.”
1 Chronicles 16:7At sa araw na iyon, unang hinirang ni David si Asaf at ang kaniyang mga kapatid upang awitin ang awit na ito ng pasasalamat kay Yahweh.