2 Samuel 23:16
Kaya sinira ng tatlong magigiting na lalaki ang hukbo ng mga taga-Filisteo at sumalok ng tubig sa balon ng Betlehem, ang balon na nasa tarangkahan. Kumuha sila ng tubig at dinala ito kay David, pero hindi niya ininom ito. Sa halip, ibinuhos niya ito kay Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 35:14Si Nagtayo si Jacob ng haligi sa lugar kung saan nangusap sa kanya ang Diyos, isang haliging bato. Nagbuhos siya ng handog na inumin at nagbuhos ng langis doon.
1 Samuel 7:6Nagtipon sila sa Mizpa at sumalok ng tubig at ibinuhos ito sa harapan ni Yahweh. Nag-ayuno sila sa araw na iyon at sinabing, “Nagkasala kami laban kay Yahweh.” Doon pinagpasiyahan ni Samuel ang mga alitan ng mga tao ng Israel at pinangunahan ang mga tao.
2 Samuel 23:9Sumunod sa kaniya si Eleazar na lalaking anak ni Dodo, lalaking anak ng isang Ahohita, isa sa tatlong magigiting na mga tauhan ni David. Naroon siya nang nilabanan nila ang mga taga-Filisteo na sama-samang nagtipon para makipagdigmaan, at nang umurong ang mga tauhan ng Israel.
Lamentations 2:19Tumayo at sumigaw ka sa gabi; sa pasimula ng oras ibuhos mo ang iyong puso tulad ng tubig sa harapan ng Panginoon. Itaas mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil ang buhay ng iyong mga anak na nakahigang mahina sa gutom sa dulo ng bawat lansangan.”
Romans 5:7Sapagkat mahirap para sa isang tao na mamatay para sa isang matuwid na tao. Iyan ay, marahil kung may isang maglalakas-loob na mamatay para sa mabuting tao.
Philippians 2:17Ngunit kahit na ibinuhos ako bilang isang alay sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya, nagagalak ako, at nagagalak ako kasama ninyong lahat.