2 Samuel 23:4
Siya ay magiging tulad ng liwanag sa umaga sa pagsikat ng araw, isang umaga na walang mga ulap, sa pag-usbong ng malambot na mga damo mula sa lupa sa pamamagitan nang maliwanag na sinag ng araw pagkatapos ng ulan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:2Hayaan ang aking katuruan ay pumatak na parang ulan, hayaan ang aking talumpati ay dumalisay na parang hamog, gaya ng mahinang ulan sa malambot na damo, at gaya ng ulan sa mga halaman.
Psalms 72:6Bumaba siya nawa tulad ng ulan sa tuyong damo, tulad ng ambon na dinidiligan ang mundo.
Psalms 110:3Ang iyong bayan ay susunod sa iyo sa banal na kasuotan ng kanilang sariling kalooban sa araw ng iyong kapangyarihan; mula sa sinapupunan ng bukang liwayway ang iyong pagkabata ay mapapasaiyo gaya ng hamog.
Isaiah 4:2Sa araw na iyon, ang sanga ni Yahweh ay gaganda at maluluwalhati, at ang bunga ng lupain ay magiging masarap at kasiya-siya para sa mga nakaligtas sa Israel.
Isaiah 60:3Ang mga bansa ay lalapit sa inyong liwanag, at ang mga hari sa inyong maliwanag na ilaw na sumisikat.
Hosea 6:3Kilalanin natin si Yahweh; sikapin nating makilala si Yahweh. Ang kaniyang paglabas ay tiyak na parang bukang-liwayway; darating siya sa atin tulad ng ambon, tulad ng ulan sa tagsibol na dumidilig ng lupain.”