2 Samuel 24:1
Muling sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa Israel at pinakilos niya si David laban sa kanila sa pagsasabi, “Bilangin ang Israel hanggang Juda”. Pagkatapos sinabi ni David “Sige, bilangin ang Israel at Juda.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 45:5At ngayon huwag kayong magdalamhati o magalit sa inyong mga sarili na ipinagbili ninyo ako dito, sapagkat nauna na akong ipinadala ng Diyos sa inyo upang pangalagaan ang buhay ninyo.
Exodus 7:3Pero patitigasin ko ang puso ni Paraon, at magpapakita ako ng maraming palatandaan ng aking kapangyarihan, maraming kamangha-mangha, sa lupain ng Ehipto.
Judges 2:14Nag-alab ang galit ni Yahweh sa Israel, at ibinigay sila sa mga sumalakay na nagnakaw ng kanilang mga ari-arian mula sa kanila. Sila ay kaniyang ipinagbili bilang mga aliping hawak ng lakas ng kanilang mga kaaway na nakapalibot pa sa kanila, para hindi na nila maipatanggol ang kanilang mga sarili laban sa kanilang mga kaaway.
1 Samuel 26:19Samakatuwid ngayon, nagmakaawa ako sa iyo, hayaang pakinggan ng aking panginoon na hari ang mga salita ng kanyang lingkod. Kung si Yahweh na nag-udyok sa iyo laban sa akin, hayaan siyang tumanggap ng isang handog; ngunit kung mga tao ito, nawa'y isumpa sila sa paningin ni Yahweh, dahil sa araw na ito inilayo nila ako, na hindi dapat ako kumapit sa pamana ni Yahweh, na kanilang sinabi sa akin, “Sumamba ka sa ibang mga diyos.”
2 Samuel 16:10Pero sinabi ng hari, “Ano ang gagawin ko sa inyo, mga anak ni Zeruias? Marahil minumura niya ako dahil sinabi ni Yahweh sa kainya, 'Sumpain si David.' Sino sa gayon ang magkapagsabi sa kaniya, 'Bakit mo isinusumpa ang hari?”'
1 Kings 22:20Sinabi ni Yahweh, 'Sino ang mag-uudyok kay Ahab, para siya ay maaaring lumusob at matalo sa Ramot-Galaad?' at may isang sumagot sa ganitong paraan, at sumagot ang isa pa sa ganoong paraan.