2 Samuel 24:16
Nang inabot ng anghel ang kaniyang kamay sa dako ng Jerusalem para wasakin ito, nagbago ang ang isip ni Yahweh tungkol sa kapahamakan, at sinabi sa anghel na pumupuksa sa mga tao, “Tama na! Iatras mo ngayon ang iyong kamay.” Nakatayo noon ang anghel ni Yahweh sa giikan ni Arauna na Jebuseo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 6:6Nalungkot si Yahweh na ginawa niya ang sangkatauhan sa mundo, at ito ay nagdulot ng dalamhati sa kanyang puso.
Exodus 9:28Magdasal kayo kay Yahweh, dahil ang napakalakas na mga kidlat at ulang may yelo ay sobra na. Papaalisin ko na kayo at hindi na kayo titira dito.
Exodus 12:23Dahil si Yahweh ay dadaan para salakayin ang mga taga-Ehipto. Kapag nakita niya ang dugo sa itaas ng inyong balangkas at sa dalawang magkabilang poste, lalagpasan niya lamang ang inyong pintuan at hindi niya pahihintulutan ang tagawasak na makapasok sa inyong tahanan para kayo ay salakayin.
Joshua 15:63Pero para sa mga Jebuseo, hindi mapaalis ang mga naninirahan sa Jerusalem, ng lipi ni Juda, kaya nanirahan doon ang mga Jebuseo kasama ang lipi ni Juda hanggang sa araw na ito.
Judges 19:11Nang malapit na sila sa Jebus, malapit nang matapos ang araw, at sinabi ng tagapaglingkod sa kaniyang amo, “Halina, lumihis tayo patungo sa lungsod ng Jebuseo at magpalipas ng gabi roon.”
2 Samuel 5:8Sa oras na iyon sinabi ni David, 'Sinuman ang sasalakay sa mga taga-Jebus ay kailangang pumunta sa pamamagitan ng tubig at aabutin nila ang 'lumpo at bulag,' ang mga galit kay David.” kaya sinabi ng mga tao iyan, “Hindi makakapunta ang 'bulag at lumpo' sa palasyo.”