2 Samuel 24:20
Tumingin sa labas si Arauna at nakitang papalapit na ang hari at ang kaniyang mga lingkod. Kaya lumabas si Arauna at yumukod sa hari na ang kaniyang mukha ay nasa lupa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
19Kaya umakyat si David gaya ng itinagubilin ni Gad na gawin niya, gaya ng inutos ni Yahweh.
Cross References
Genesis 18:2Tumingala siya at naroon, nakita niya ang tatlong lalaki na nakatayo sa harap niya. Nang makita sila ni Abraham, tumakbo siya mula sa pintuan ng tolda, para salubungin sila at yumukod siya sa lupa.
2 Samuel 1:2Sa ikatlong araw, mayroong isang taong dumating mula sa kampo ni Saul na sira ang kaniyang mga damit at may dumi sa kaniyang ulo. Nang nakarating siya kay David yumuko siya sa lupa at siya ay nagpatirapa.
1 Chronicles 21:20Habang naggigiik ng trigo si Ornan, lumingon siya at nakita ang anghel. Nagtago siya at ang kaniyang apat na anak na lalaki na kasama niya.