2 Samuel 24:6
Dumating sila sa Galaad at sa lupain ng Tatim Hodsi, pagkatapos sa Dan Jaan at paikot papuntang Sidon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 31:21Kaya tumakas siya dala lahat ng mayroon siya at nagmamadaling tumawid sa Ilog, patungo sa dako ng burol na bansa ng Galaad.
Numbers 32:1Ngayon ang mga kaapu-apuhan ni Ruben at Gad ay may napakalaking bilang ng mga alagang hayop. Nang nakita nila ang lupain ni Jazer at Galaad, ang lupain ay isang mainam na lugar para sa mga alagang hayop.
Joshua 11:8Ibinigay ni Yahweh ang kaaway sa kamay ng Israel, at sinaksak nila sila ng espada at hinabol sila sa Sidon, Misrepot Maim, at sa lambak ng Mispa sa silangan. Sinalakay nila sila gamit ang espada hanggang walang nakaligtas sa kanila ang natira.
Joshua 19:47Nang mawala sa kanila ang lupain ng lipi ni Dan, nilusob ng Dan ang Lesem, nilabanan ito, at binihag ito. Pinatay nila ang bawat isa gamit ang espada, inangkin ito, at nanirahan dito. Muli nilang pinangalanan ang Lesem, tinawag itong Dan kasunod sa kanilang ninuno.
Judges 18:28Wala ni isang naligtas sa kanila dahil malayo pa ito mula sa Sidon, at hindi sila nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa kaninuman. Nasa lambak ito malapit sa Beth-Rehob. Ipinatayong muli ng mga Daneo ang lungsod at nanirahan doon.