2 Samuel 3:27
Nang makabalik si Abner sa Hebron, dinala siya ni Joab sa isang tabi sa gitna ng tarangkahan para kausapin siya ng tahimik. Doon sinaksak siya ni Joab sa tiyan at pinatay siya. Sa ganitong paraan, naipaghiganti ni Joab ang dugo ni Asahel na kaniyang kapatid na lalaki.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 35:19Ang kadugong tagapaghiganti ay maaari niyang patayin ang isang mamamatay-tao. Kapag makatagpo siya, maaari niyang patayin.
2 Samuel 2:19Tinutugis ng malapitan ni Asahel si Abner at sinusundan siya na hindi lumilihis sa anumang dako.
2 Samuel 20:9Kaya sinabi ni Joab kay Amasa, “Mabuti ba ang lagay mo, aking pinsan?” Magiliw ni Joab na kinuha ang balbas ni Amasa ng kaniyang kanang kamay para halikan siya.
1 Kings 2:5Alam mo rin kung ano ang ginawa sa akin ni Joab na anak ni Zeruias, at kung ano ang ginawa niya sa dalawang kumander ng mga hukbo ng Israel, kay Abner na anak ni Ner, at kay Amasa na anak ni Jeter, na pinatay niya. Pinadanak niya ang dugo ng digmaan sa panahon ng kapayapaan at inilagay ang dugo ng digmaan sa sinturon sa palibot ng kaniyang baywang at sa mga sapatos niya sa kaniyang mga paa.
1 Chronicles 27:21Para sa kalahating tribo ni Manases na nasa Gilead, si Iddo na anak ni Zacarias ang pinuno. Para sa tribo ni Benjamin, si Jaasiel na anak ni Abner ang pinuno.
Jeremiah 41:2Ngunit si Ismael na anak ni Netanias at ang sampung mga lalaki na kasama niya ay tumayo at sinalakay si Gedalias na anak ni Ahicam na anak ni Safan gamit ang espada. Pinatay ni Ismael si Gedalias na itinakda ng hari ng Babilonia na mangasiwa sa lupain.