2 Samuel 3:31
Sinabi ni David kay Joab at sa lahat ng tao na kasama niya, “Punitin ninyo ang inyong mga damit, maglagay ng telang magaspang, at manangis sa harapan ng bangkay ni Abner.” At si Haring David ay lumakad sa likod ng bangkay sa paghahatid sa libingan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 37:29Bumalik si Reuben sa balon, at masdan, wala na si Jose sa loob ng balon. Pinunit niya ang kanyang damit.
Joshua 7:6Pagkatapos pinunit ni Josue ang kaniyang mga kasuotan. Siya at mga nakatatanda ng Israel ay naglagay ng alikabok sa kanilang ulo at iniyuko ang mukha sa lupa sa harapan ng kaban ni Yahweh, nanatili sila roon hanggang gabi.
2 Samuel 1:2Sa ikatlong araw, mayroong isang taong dumating mula sa kampo ni Saul na sira ang kaniyang mga damit at may dumi sa kaniyang ulo. Nang nakarating siya kay David yumuko siya sa lupa at siya ay nagpatirapa.
2 Kings 19:1Nangyari nga nang malaman ni Haring Hezekias ang ulat, pinunit niya ang kaniyang damit, binalutan ang kaniyang sarili ng magaspang na tela, at nagpunta sa tahanan ni Yahweh.